Love endures all things

tumblr_mbtdrdhlkQ1rinykfo1_500

Love is patient.
Ang tagal mong hinintay ang pagkakataon para makausap siya at malaman ang pangalan niya. Kahat ilang oras pa pagitan, hihintayin mo siya makasabay lamang umuwi. Hindi ka makatulog hangga’t hindi siya nagre-reply sa text mo. Masigasig kang naghihintay, makamit lang ang matamis niyang oo.

Love is kind.
Handa kang ibigay ang oras mo makasama lang siya. Hindi ka na kumakain ng lunch, maibili lang siya ng regalo. Isusubo mo na lang ang pagkain, ibibigay mo pa sa kanya. Kapag hindi siya sumagot sa text mo, papasahan mo agad ng load. Kung ano mang wala siya, handa kang ibigay iyon magkaroon lang din siya.

Love is not easily angered.
Na-late siya sa date, okay lang. Natagalan mag-reply, okay lang. Nahuli mong may kasamang iba, okay lang. Sinaktan ka na, pero nang magmakaawang balikan ka, okay lang. Hindi sinusuklian ang feelings mo, pero tiis ka pa rin.

Love endures all things.
Ayaw ng mga magulang pero pinagpatuloy pa rin. Harapan ka nang niloloko, pinapatawad pa rin. Hindi tanggap ng society na dalawang adan ang nagmamahalan, so what? Ikaw lang ang nakakaalam na mahal mo siya, nagpapakatanga ka pa rin. Sinabi na niyang walang pag-asa, hopia ka pa rin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s