This is how you make me feel

ImageIkaw ang nagsimula ng lahat.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan mo akong paniwalain sa iyong kasinungalingan. Pero dahil humingi ka na naman ng tawad, pinipilit ko nang kalimutan pa iyon. Nagbalik ka, nakikipagkaibigan. Pero patawad. Hindi ko kayang makipagkaibigan sa isang manloloko.

* * *
Sikat na sikat ka na.

Isang larawan lang ang i-post mo sa Facebook, aabot na sa higit sandaang likes at comments sa loob ng isang minuto. Isang quote lang ang i-tweet mo, sandamakmak na retweets at favorites na ang inaabot. Hindi na mabilang ang mga taong nagkakandarapa na makadaupang-palad ka. Napakarami mo nang tagahanga. Tunay naman talagang biniyayaan ka ng talento sa potograpiya. Hindi ko sila masisisi, dahil tulad nila, minsan mo rin akong naging tagahanga. Ang kaibahan nga lang, hindi ka pa sikat noon.

* * *
I’m sorry.

Alam kong napakalaki ng naging kasalanan ko sa’yo. Naging duwag ako na sabihin sa’yo na wala talagang pag-asa. Ayokong saktan ka, pero sa ginawa ko, mas lalo lang naging mas masakit para sa’yo. Tulad nga ng sabi ko sa iyo, you deserve someone better. Isang taong kayang tuparin ang mga plano mo para sana sa atin. Isang taong kayang sakyan ang iyong mga nais gawin. Patawad, dahil hindi ko kaya at hindi ko nais na maging siya.

* * *
Salamat.

Alam mo bang sa’yo ko lang unang ginawa ang manligaw? Kung panliligaw man ang tawag sa pagbibigay ng dalawang Christmas gift at paglalagay ng sweet notes sa iyong desk. Pero kahit nakatikim ako ng mga masasamang salita mula sa’yo, hindi ko pinagsisisihan iyon. Natuto akong hanapin kung saan ako dapat lumugar. Natutunan ko na kaya ko naman palang gumawa ng first move. Natutunan
ko na tanggapin ang kung ano lamang ang kayang ibigay ng isang tao sa akin. Isa kang malaking learning experience. Salamat! At sana nga, magkatotoo ang sinabi mo sa akin: sa tamang panahon, mahahanap ko rin ang taong kayang punan ang lahat ng kulang sa akin.

* * *
I miss you.

Nasaan ka na ba? Ano nang nagyari sa’yo? Bakit hindi ka na madalas magparamdam? Ayaw mo ba sa akin? Napakarami kong tanong pero lahat ng iyan hindi ko magawang itanong sa iyo. Baka masabihan na naman akong corny at madrama. Gusto kitang makilala pa ng lubos. Gusto ko na maging bahagi ka ng buhay ko. Pero paano nga ba mangyayari yun kung hindi naman ganoon ang gusto? Paano kita makikilala kung hindi ko alam ang tunay na pangalan mo? At ang hindi ko maintindihan, bakit mahal na yata kita kahit hindi pa kita nakikita?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s