Paano nga ba sumulat ng katha?

writing
Photo from machankimchi.blogspot.com

Nalimutan ko na yata kung paano sumulat ng katha.

Paano nga ba sumulat ng magandang panimula? Nasa panimula raw dapat ang diwa ng isang istorya, sabi noon ni Rosario Lucero sa isang palihan. Sabi naman ni Kit Kwe, dapat daw magsimula ang katha malapit sa conflict. Ano ba ang suliranin ko dito? Ayun, hindi ko alam kung marunong pa ba ako sumulat ng kuwento.

“Kung walang conflict, walang drama. Kung walang drama, walang kwento,” dagdag ni Jun Cruz Reyes. At dahil may suliranin nga ako, edi may drama. Ergo, may kwento. Am I making sense?

Isulat daw ang iyong mga karanasan. You can’t dramatize something you don’t have knowledge of, sabi ni Lucero. Bata pa lang ako, mahilig na ako sumulat ng mga kwento. Mayroon pa nga akong isang notebook na sinusulatan ko ng mga kwentong maisip ko. At dahil bata pa nga ako noon at laging nakababad sa TV, puro mala-telenovela ang tema ng aking mga sinusulat. Nagkakilala si lalaki at babae. Nahulog sa isa’t isa. Masaya sila tapos biglang nahimatay si lalaki. Dinala sa ospital. May cancer pala. May taning na. Namatay. Masyadong dramatic ang kwento ko noon. Talo pa ang Esperanza.

“It’s impossible to move your readers with a story about someone’s death,” ani Lucero. Nakakasawa na raw, sabi naman ni Reyes. Ouch! It hurts, you know?

Nagkaroon ako ng pormal na creative writing classes noong high school. Doon ako na-expose sa iba’t ibang techniques sa pagsulat. Iba’t ibang klaseng kwento ang pinabasa sa amin. Tinuruan kami kung paano mag-develop ng kwento. Pinasulat kami sa English at Filipino para malaman namin kung saan kami mas gamay. Oras na para gumawa ng pre-final paper. Minimum of 10 pages, double-spaced, Arial, 12. Confident ako kasi naka 15 pages ako sa kwento ko. Noong ibinalik na ang papel, hiyang-hiya ako sa grade na nakuha ko. Tres. Pasang-awa. Bakit? Masyado raw mahaba to the point na hindi na na-develop ang characterization. I was devastated. (Echos lang! Hindi talaga devastated. Madrama kasi ang salitang devastated.)

Ito raw ang dapat matutunan ng kwentista, sabi ni Lucero. Masakit man, kailangan matutong magtanggal ng mga bahaging hindi naman kailangan sa kwento. Kaya mula sa 15 pages, naging 7 pages na lang yung final output. Final grade? Hindi ko alam. Hindi na kasi ibinalik e.

Mas namulat ako sa mundo ng pagsulat ng katha noong nasa UST na ako, lalo na noong nakapasok na ako sa Varsitarian. Sa tulong ng aking patnugot na si Kuya Sam Medenilla, mas nagabayan ako sa tamang pagsusulat. Mas itinuon ko ang pansin sa pagsulat sa Filipino. Sabi ni Abdon Balde, kailangan magamay ng manunulat ang wikang gamit niya upang maayos na maiparating ang mensaheng nais sabihin.

Dito rin ako natuto na isipin munang mabuti ang aking gustong isulat. Mahalagang pagisipan ang paksa upang may patunguhan ang istorya, sabi ni Efren Abueg. “Talagang mahirap mag-isip ng paksa para sa kwento. Pero hindi dapat sumuko,” dagdag niya.

Kailangan na malinaw sa manunulat ang nais niyang isulat. Kailangan rin na pasukin ng susulat ang isip at mundo ng tauhan para maging kapanipaniwala ito, ani Reyes. Sa pananantili ko sa Varsitarian, nakasulat ako ng tatlong maiikling kuwento na talagang sumubok sa kakayahan ko bilang isang manunulat. Lahat tungkol sa relasyon ng isang anak sa kanyang ama. Iba’t ibang tauhan, pero iisang puso ang pinagmulan.

Sabi ni Balde, hindi raw dapat isali ng manunulat ang persona niya sa kwenton isinusulat niya. Pero dito ako sumasalungat. Naniniwala ako na ang bawat tauhan sa mga akda ko ay may kaniya-kanyang persona. Pero ang sarili kong persona ang pinaniniwalaan ko na nagbibigay sa kanila ng puso.

Simula nang lisanin ko ang Varsitarian, tila nilisan ko na rin ang pagsusulat ng katha. Ngunit sabi nga ni Kwe, “lifetime of work” ang pagsulat. Hindi pa naman siguro huli ang lahat upang simulan kong muli ito. At lalong hindi pa huli para ma-improve ko ang pagsusulat ko. Sa dami ng natutunan ko, masasayang naman kung hahayaan ko lang itong anayin.

Pero ang isa sa pinaka hindi ko malilimutang aral sa pagsusulat, kapag katapusan na, huwag nang magpaliguy-ligoy pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s