So you want to be a Varsitarian staffer?

Dibuho ni Jasmine Santos
Dibuho ni Jasmine Santos

“The years at the V taught us discipline much faster than any lesson in Moral Theology or the ROTC ever did.”
– Nestor Cuartero

Laking pasasalamat ko talaga na bago ako pumasok sa mundo ng The Varsitarian, nariyan ang kaibigan ko na si Danielle para bigyan ako ng crash course ukol sa buhay sa loob ng offical student publication ng UST. Sa mga nagiisip na napaka-glamorous ng buhay Varsi, think again. Kung ang nais mo lang ay mapaganda ang resume mo, mag-isip-isip ka muna.

Kaya naman sa mga nagnanais maging V staffer, narito ang ilang paalala:

1) Ihanda ang sarili para sa limang oras na exam. Oo, limang oras ng pagsusulat, pagdo-drawing, paghanap ng magandang anggulo ng litrato at pagpiga ng utak ang kailangan mong pagdaanan para maipasa ang qualifying exams. At hindi lang sa qualifying exams nagtatapos iyan. Kapag naipasa mo ito, susunod ang specialized exam (kung saan kasabay mo na ang iba pang natitirang current Varsitarian members) para malaman kung swak ka ba sa section na gusto mong pasukin.

2) Magpaganda para sa interview. Kapag tinawagan ka na para sa interview, congratulations! You are a step closer toward becoming the next Varsitarian staffer. Matagumpay mong naipasa ang madugong specialized exam. Dito, haharap ka sa selection committee kung saan uungkatin nila ang lahat ng mauungkat nila sa pagkatao mo. Magpakatotoo ka lang. At siguraduhin na handa ka talagang pasukin ang pinapasok mo. Higit sa lahat, wear business attire. Job interview ito. Pagkatapos ng interview, siguruhing naka-charge ang cellphone. And seek Divine Intervention.

3) Be friendly, pero matutong mahiya. Congratulations! Tinawagan ka Siguradong papupuntahin ka sa V office para sa orientation. Kapag nakilala mo na ang mga kapwa newbies mo, kaibiganin sila. Ang mga mukhang yan ang magiging unang sandigan mo sa V. Matuto namang gumalang sa mga current staffers. Seniors mo sila. Huwag agad feeling close at feel at home. Makaka-adjust ka rin in due time.

4) Ilabas ang vacuum cleaner powers. Sigurado, ang first task niyo ay maglinis ng V office. General cleaning. Bawal ang maarte. Matutong humawak ng walis, magkuskos ng sahig, magtanggal ng alikabok sa loob ng archives. Ito ang first bonding experience mo with both the old and new V staff.

5) Be active sa Summer activities. Basta, be active. Malalaman mo rin kung bakit. Ilabas ang hidden UST Growling Tiger in you! Isama mo na ang hidden Salinggawi at Teatro Tomasino actor in you. Believe me, kakailanganin mo talaga ‘yan.

6) Observe deadlines. O, start na ng school year. Sundin ang deadline. A deadline is never dead daw. Kung gusto mo maka-byline, sundin ito. Hindi lang sa editorial side ito, pati sa mga extrang gawain may deadline. The V rewards those who follow rules. Kaching-kaching!

7) Maghanda para sa extra editorial events. Hindi lang basta publication ang V, events organizer din ito. Ito ang susukat sa iyong pagiging miyembro. Higit sa lahat, ito ang sukatan ng tunay na pagsasamahan at pagkakaibigan. Pwede kang maging personal alalay, technician, tagabuhat, host, performer, food expert, nurse, at kung anu-ano pa. You’ll discover many things na kaya mo pala gawin.

8) Food appreciation 101. Sa lahat ng ginagawa sa V, laging may pagkain. Matututo kang maappreciate ang pagkain dito. Ate Eva’s man yan, Tinapayan, or eat-all-you-can buffet, siguradong bubusugin ka ng Varsi. Isang malaking feeding program ang V.

9) Work hard. Masarap sa pakiramdam na na-enjoy mo ang iba’t ibang perks ng V, tulad ng teambuilding activities at retreats sa iba’t ibang lugar, dahil pinaghirapan mo ito. Always think of what you can do for V, not what V can do for you.

10) Higit sa lahat, build true, good and lasting relationships. Hinding-hindi ko malilimutan ang sinabi ni Emil (kaklase sa Journ at editor ko sa V) sa akin noong kapapasok ko pa lang sa V. Mas magiging ka-close ko pa raw ang mga nasa Varsi kaysa sa blockmates ko. At hindi nga siya nagkamali. Habambuhay na pagkakaibigan ang hatid ng mga makakasama mo sa Varsitarian. Enjoy every moment with them. Maikli lang ang isa, dalawang taon na gugugulin niyo sa V na halos araw-araw nyong nakikita at nakakasama ang isa’t isa. Kung may nagyaya ng inuman, sumama kahit hindi ka umiinom. Try mo rin maki-join sa yosi breaks. Initiate a conversation with everyone. More than an organization, Varsitarian is a family.

Ilan lamang ito sa mga maipapayo ko sa sinumang nais maging bahagi ng Varsitarian. Just a warning: ang V mahirap iwanan, pero masarap balikan.

P.S. Happy 85th anniversary, Varsitarian! Hindi na ako makapaghintay sa party natin sa 26th.

Advertisements

2 thoughts on “So you want to be a Varsitarian staffer?

  1. Another thought: Dapat ginagawang habit ang paglilinis, kahit walang ibang maglilinis. Kahit na walang maka-appreciate sa paglilinis mo (Kahit dahil OC ka lang talaga. Hahaha!), nakakagaan sa loob na may nagagawa kang mabuti. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s