Tinig

Random Sunday

Inawitan mo ako.

Walang sawa kong pinakinggan ang iyong matamis na tinig hanggang sa magsawa kang kumanta. Napagod ka sa pag-awit. Sa halip, ako’y iyong kinuwentuhan. Bawat kuwento mo’y pagkiliti sa kasuluk-sulukan ng puso’t isipan ko. Walang bahagi ang aking sinalungat. Buong pagkatao kong pinakinggan ang iyong mga hinaing, ang iyong mga karanasan na tila ugat na naguugnay sa ating dalawa. Ang bawat katagang iyong binitawa’y alaalang aking binabalik-balikan. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang iyong muling pagkanta. Sa dilim, sinubukan kong iguhit ang iyong mala-anghel na mukha  singkit na mga mata, matangos na ilong, bilugang mukha at manipis na mga labi. Nabubuo ka na. Ang iyong awiti’y pagkaing bumusog sa aking kaluluwa. Bigla mong itinigil ang iyong pagharana. Iminulat ko ang mga mata. Inalis ko ang earphones na nakasalpak sa aking mga tainga.

Low bat na pala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s